
Parami na ng parami ang mga nakatutok sa GMA intense drama series na pinamagatang Akusada.
Mapapansin sa social media na talaga namang invested ang Pinoy viewers sa mga nangyayari sa buhay ni Carol/Lorena, ang karakter ni Andrea Torres sa serye.
Related gallery: On the set of Akusada
Pinag-usapan ng viewers ang latest episode ng Akusada na ipinalabas nitong Huwebes, September 11.
Tampok sa naturang episode ang naging pahayag ng isang pari na nagsilbing witness sa nangyari sa unang asawa ni Wilfred (Benjamin Alves) na si Joi (Max Collins).
Habang nasa court hearing, sinabi ng pari na walang kasalanan si Carol/Lorena sa krimen na ibinibintang sa kanya.
Labis itong ikinagalit ni Roni (Lianne Valentin) at ikinagulat naman nina Wilfred (Benjamin Alves) at kanyang anak na si Amber (Ashley Sarmiento).
Bumuhos ang emosyon sa loob ng court room dahil unti-unti nang napapatunayan ni Carol/Lorena ang matagal na niyang pinaninindigan na siya ay inosente.
Nakatatanggap ng papuri mula sa viewers sina Andrea Torres, Benjamin Alves, Lianne Valentin, at ang love team na AshCo (Ashley Sarmiento and Marco Masa) sa mahusay nilang pagganap sa kani-kanilang roles sa serye.
Samantala, huwag palampasin ang susunod pang intense na mga eksena at rebelasyon sa Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa Kapuso Stream at GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.