GMA Logo Alex Gonzaga, Polly
Courtesy: cathygonzaga (IG)
Celebrity Life

Latest video nina Alex Gonzaga at pamangkin na si Polly, kinagiliwan

By EJ Chua
Published November 26, 2024 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Alex Gonzaga, Polly


Naaliw ang netizens sa reaksyon ni Polly sa video nila ng kanyang tita na si Alex Gonzaga!

Kinagigiliwan ngayon online ang bagong video nina Alex Gonzaga at babaeng pamangkin niya na si Polly.

Mapapanood sa viral video na habang buhat ni Alex si Polly ay tinatawag ng bata ang asawa ng kanyang tita na si Mikee Morada.

Marami ang nakapansin na kaya patuloy na sinisigaw ni Polly ang pangalan ng kanyang Tito Mikee ay dahil humihingi siya rito ng tulong.

Sobrang cute ng mga reaksyon ni Polly sa video kaya naman maraming netizens ang naaliw sa kanila ng kanyang Tita Alex.

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Sa ilang vlogs, mapapanood na laging kinukulit at pinipilit na patawanin ni Alex si Baby Polly.

Narito ang ilang komento at reaksyon ng netizens sa naturang video:

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 45,000 heart reactions ang post ni Alex sa Instagram tungkol sa kulitan nila ni Polly.

Samantala, si Polly ay bunsong anak ng celebrity mom na si Toni Gonzaga at film director na si Paul Soriano.

Related gallery: Celebrity kids and their famous godparents