
Siguradong mapupuno ng tawanan ang inyong Sabado ng umaga dahil sa bagong episode ng Sarap, 'Di Ba?
Mapapanood ngayong Sabado ang masayang bonding nina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi with comedians Boobay, Petite, and Pepita Curtis.
Sa Sabadong ito ay mapapanood ang special Sarapdibalympics dahil sina Carmina, Mavy, at Cassy ang makakatapat nina Boobay, Petite, at Pepita. Ang games at challenges for this week ay ang "Bawal Tumawa Joke Lang Showdown," "Bawal Tumawa Acting Showdown," at "Showerade."
Para sa kainan ngayong Sabado ng umaga ay maghahanda si Carmina ng masarap na Laing Spring Rolls.
Abangan ang lahat ng ito ngayong Sabado sa Sarap, 'Di Ba?, 10:00 a.m. sa GMA Network.