GMA Logo Ken Chan and Rita Daniela
What's Hot

Launching film nina Ken Chan at Rita Daniela, kabilang sa MMFF 2021 entries

By Marah Ruiz
Published November 13, 2021 5:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan and Rita Daniela


Isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong 2021 ang 'Huling Ulan Sa Tag-araw' nina Ken Chan at Rita Daniela.

Malapit nang mapanood ang launching film ng tambalan nina Kapuso stars Ken Chan at Rita Daniela na Huling Ulan sa Tag-araw.

Isa kasi ito sa official entries sa Metro Manila Film Festival ngayong 2021.

Ikinagalak ni Ken na napili ang kanilang pelikula para maging bahagi ng taunang film festival.

"Mas pinasaya ang Pasko namin dahil ang pelikula namin na HULING ULAN SA TAG-ARAW ay nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2021," sulat ni Ken sa kanyang Instagram account.

Hindi na raw siya makapaghintay para mapanood ng kanilang mga tagasunod ng pelikula.

"Hindi na kami makapaghintay na ibahagi sa inyo ang kwento ni Luis at Luisa ngayong Disyembre. This is directed by @direklouieignacio and produced by @hbeproduction," dagdag niya.

Pinasalamatan din niya ang MMFF at hinikayat ang kanyang followers na tangkilikin ang pelikulang Pilipino.

"Sa lahat po ng bumubuo ng @mmffofficial maraming-maraming salamat sa tiwala at pagkakataon na ito! Suportahan po natin ang Pelikulang Pilipino," pagtatapos niya.

Isang post na ibinahagi ni Ken Chan (@akosikenchan)

Gaganap dito si Ken bilang Luis, isang binatang nakatakdang mag-pari. Mahuhulog ang loob niya kay Luisa, isang kind-hearted singer-entertainer.

Bahagi rin ng pelikula sina Richard Yap at Lotlot de Leon.

Si Louie Ignacio ang nagsilbing direktor ng pelikula habang isa naman sa producers si Harlene Bautista.

Sa Pagsanjan, Laguna kinunan ang mga eksena ng pelikula.