What's Hot

Lauren Young, mas napadali ang pagiging kontrabida dahil kay Megan

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Ani Lauren, "I think it's easier to be a kontrabida when your sister is the one who's in front of you."
By MICHELLE CALIGAN

 
Kung si Miss World 2013 Megan Young ang gumaganap na Marimar, ang kanyang kapatid na si Lauren naman ang kontrabidang si Antonia. Kasama ng kanyang inang si Angelika played by Jaclyn Jose, sila ang mga magpapahirap sa buhay ni Marimar.
 
READ: Megan Young, makakalaban sina Jaclyn Jose at Lauren Young sa Marimar 
 
Kung ang ibang artista ay nahihirapang saktan ang kanilang kaeksena kapag ito ay malapit na kaibigan, baliktad naman ito sa Young sisters.
 
"I think it's easier to be a kontrabida when your sister is the one who's in front of you, because for two characters to be able to work so well together, they have to have that relationship. Ito 'yung advantage namin bilang magkapatid. We already have that bond," kuwento ni Lauren sa entertainment press during the show's grand launch.
 
LOOK: The cast of the new 'Marimar'
 
Pagdating sa sampalan, mas gusto raw ni Lauren ang walang daya. Considerate naman daw siya sa co-stars niyang ayaw masaktan.
 
"As much as possible, ako kasi kung puwedeng totoo, gawin na lang nating totoo kasi mas maganda siyang tingnan on TV, Pero there are certain instances siguro na 'yung mga iba ayaw na sinasaktan sila, so you have to respect that also."
 
Ang kanyang Ate Megan, hindi naman daw nagrereklamo sa kanilang mga eksena.
 
"There are ways para dayain to make someone comfortable. So far naman, noong nag-taping kami, ilang beses siyang binatukan ni Tita Jane (Jaclyn Jose), wala siyang reklamo."
 
READ: Megan Young, okay lang na sabunutan ng kapatid na si Lauren