
Hindi nagpadala sa kaniyang emosyon ang former Contessa star na si Lauren Young sa isang negatibong komento ng isang netizen patungkol sa kaniyang katawan.
LOOK: Lauren Young stars in K-drama 'Where Stars Land'
Sa Instagram post ni Lauren nito lamang Lunes, mababasa ang post ng netizen patungkol sa larawan niya na kuha sa probinsya ng Sorsogon. Dito sinabi ng basher na ang "lapad ng katawan" ng Kapuso actress.
Agad naman nag-reply si Lauren sa post na ito at sinabi, “You're commenting that as if it's a bad thing.”
Kamakailan lang nag-guest si Lauren Young at si Ejay Falcon sa Korean drama series na Where Stars Land.