
Tampok ang independent film ni award-winning director Louie Ignacio na Laut sa digital channel na I Heart Movies.
Umiikot ang kuwento sa buhay ng ilang Sama d'Laut o mas kilala sa tawag na Badjao na ni-relocate sa isang settlement sa Pampanga.
Espesyal ang pelikulang ito para kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza dahil ito ang nakapagbigay sa kanya ng kauna-unahan niyang international acting recognition.
Hinirang si Barbie bilang Best Actress sa 36th Fantasporto International Film Festival sa Oporto, Portugal. Bukod dito, nabigyan din ng Special Mention of the Jury ang Laut.
Tunghayan ang Laut sa Pinoy Movie Date, April 30, 8:00 p.m.
Para naman sa mga mahilig sa horror movies, nariyan ang Tiktik: The Aswang Chronicles.
Pinagbidahan ito ni Mr. Dingdong Dantes at written and directed by Erik Matti.
Gaganap dito si Dingdong bilang Makoy, lalaking mapapalaban sa mga aswang na kung tawagin ay tiktik habang pinoprotektahan ang girlfriend niyang buntis.
Abangan ang Tiktik: The Aswang Chronicles, May 2, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.