
Ibinahagi ni AJ Tamiza ang isang liham mula kay Le Chazz na natagpuan matapos pumanaw ang kapwa komediyante at matalik na kaibigan nitong Sabado, May 1.
Ayon sa panayam ni AJ sa PEP.ph, natagpuan nitong wala nang buhay ang kanyang kaibigan sa tahanan nito matapos niya itong dalawain upang dalhan ng pagkain. At dahil wala nang ibang pamilya ang yumaong komediyante, si AJ at ang half-sister ni Le Chazz ang nag-asikaso rito.
Kasabay nito ay natagpuan daw ng kapatid ni Le Chazz ang isang sulat kung saan tila namamalaam na ang komediyante. Mababasa rito ang mga mensahe para sa kanyang mga kaibigan at isang tulang kanyang pinamagatang “Isang Mahabang Pasasalamat.”
Paglarawan ni Le Chazz kay AJ, “My best friend, partners in crime, sister from another mother. Ang taong di ako sinukuan, ang nakakakillaa ng higit sa akin at nakakaintindi. Basta mahal na mahal ko 'to.”
Mababasa naman sa isang bahagi ng kanyang tula:
“O matalik kong kaibigan
Maaari bang matanong ko lang
Ang luha ba sa'yong mata'y
Ako ang dahilan?
Pasensiya ka na kung ako na ay
Lumisan at unang nagpaalam.”
Wari ni AJ ay kumplikasyon sa sakit na diabetes ang naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang kaibigan.
Naikuwento noon ni Le Chazz sa Tunay na Buhay na diabetes ang naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang ama.
Isa sa huling TV appearances ng komediyante ay nangyari nitong Februay 2021 sa Wowowin.
Gunitain ang alaala ng iba pang Pinoy comedians na sumakabilang-buhay na sa gallery na ito: