
Kinuwestiyon ng multi-awarded theater actress na si Lea Salonga kung bakit hindi pa rin kinikilala ang beteranang aktres na si Nora Aunor bilang National Artist.
Nora Aunor on national artist snub: "Kalimutan na natin 'yan"
Idinaan ni Lea sa isang tweet ang kanyang pagtataka at ibinahagi ang kanyang sentimiyento patungkol dito.
Saad niya, "Here's a question for you all: Why hasn't Nora Aunor been honored with the National Artist Award?
"I ask sincerely, because, given her talent and body of work, I'm surprised it hasn't happened yet, her previous troubles aside. Thanks."
Here's a question for you all: Why hasn't Nora Aunor been honored with the National Artist Award? I ask sincerely, because given her talent and body of work, I'm surprised it hasn't happened yet, her previous troubles aside. Thanks.
-- Lea Salonga (@MsLeaSalonga) October 28, 2018
Sa ikalawang pagkakataon, natanggal sa listahan si Ate Guy sa mga pinarangalan bilang National Artist ni Pangulong Rodrigo Duterte noong October 25.
Unang beses na naging maugong ang isyu noong 2014 dahil hindi ito inaprubahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa kaso ng aktres sa ilegal na droga.
Sa pahayag ni National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman Virgilio Almario sa 24 Oras, hindi niya tukoy ang tunay na dahilan kung bakit nalaglag si Nora sa opisyal na listahan ng mga National Artist awardees.
"Hindi ko alam," mabilis niyang sagot.
"Noong nakaraan, naging maugong 'yung case pero ngayong pagkakataon na ito, wala kaming information or whatsoever kung bakit na-turn down."
Nagpahayag ng hinanakit ang Superstar patungkol dito pero, gayunpaman, manalo man daw siya o hindi ay tuloy pa rin ang buhay. Hayaan na lang daw ito, mag-move on at magsimula muli.