What's Hot

Composer Arnel de Pano survives coronavirus, tells COVID-19 patients to not give up

By Dianara Alegre
Published April 14, 2020 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Ja Morant denies rift, will 'live with' trade if Memphis pulls trigger
January 15, 2026: One Western Visayas Livestream
The Miss World Philippines candidates are pretty in pink

Article Inside Page


Showbiz News

Lead Me Lord composer Arnel de Pano


Mensahe ni 'Heal Me Lord' composer Arnel de Pano sa COVID-19 patients: "Tutulungan tayo ng ating frontliners to fight. Huwag tayo mag-give up."

Pinaghuhugutan ng lakas at inaawit ng marami ngayon ang awiting “Lead Me Lord” na katha ng kompositor na si Arnel de Pano, na kamakailan ay nagbunyag na isa rin siyang COVID-19 survivor.

Nitong Lunes, sa eksklusibong panayam ng 24 Oras kay Arnel, sinabi niyang ang naturang awitin, na 35 taon na nang isulat niya, ay regalo sa kanya ng Panginoon.

“The way that it is being used now, it's very powerful. Sa akin, regalo sa akin 'yan. It's not my doing pero biyaya 'yan ng Panginoon sa akin,” aniya.

Isa ito ngayon sa mga naging inspirasyon ng medical frontliners at mga Pilipinong apektado ng sakit.

Samantala, ibinahagi rin ng kompositior na hindi naging madali ang kanyang naging gamutan dahil hindi lang coronavirus ang ginagamot sa kanya. Mayroon din siyang hereditary diabetes, hypertension, at lung problem.

“Mga 20 lang naman 'yung gamot na iniinom ko and then almost daily, I need to check my sugar. Kinukunan ako ng dugo for blood work,” aniya.

Taos-puso rin ang pasasalamat niya sa healthcare worker na nag-alaga sa kanya sa halos dalawang linggo niyang pamamalagi sa Marikina Valley Medical Center.

“The frontliner will do everything to keep you alive, to get back on the road to recovery. Hindi sila maggi-give up,” dagdag pa niya.

Ngunit bago tuluyang ma-discharge sa ospital, hinarana muna siya ng ilang frontliners gamit ang kantang malapit sa kanyang puso.

Taas-kamay naman niyang sinabayan ang mga ito sa pag-awit ng “Heal Me Lord.”

“Humagulgol ako after. Kumakanta ako with them. Nakataas 'yung kamay ko in thanksgiving and in praise and then, ipinalangin ko sila.

“'Yung frontliner natin are working their hearts out and their physical abilities. Kayang talunin ang COVID virus,” aniya kasabay ang panawagang, “Tutulungan tayo ng ating mga frontliners to fight. Huwag tayo mag-give up.”

Opisyal na binansagang COVID-19 survivor si Arnel nang makalabas sa opsital nitong April 2.

Panoorin ang buong 24 Oras report: