What's on TV

Lead stars ng 'Pulang Araw,' nag-react sa pagpapadala ng kanilang serye sa buwan

By Marah Ruiz
Published November 28, 2024 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

pulang araw


Lead stars ng 'Pulang Araw,' nag-react sa pagpapdala ng kanilang serye sa buwan

Mahigit apatnapung libong likhang sining ang ipapadala sa buwan ng Lunar Codex Project.

Kabilang dito ang musika, pelikula, mga programa at marami pang iba mula sa 185 na bansa at teritoryo at 160 indigenous nations sa buong mundo.

Ayon sa founder at curator ng Lunar Codex Project na si Dr. Samuel Peralta, napili niya ang buwan bilang archive dahil hindi ito maaapektuhan ng mga pagbabago sa mundo tulad ng giyera at climate change.

Gamit ang makabagong teknolohiya, kino-compress ang mga likhang sining na para madala sa buwan.

"It costs about a million dollars per kilogram to send things out into space. It's very expensive but one of the biggest things we've done is we've used semiconductor technology on something called nanofiche. You can see that this little disc, which is about the size of an American quarter, has little dots on it. On each of these dots is actually the page of a book or an art catalog. You can miniaturize an art catalog," paliwanag ni Dr. Peralta.

Napabilang sa malaking proyektong ito ang GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.

Ito rin ang una at kaisa-isang Filipino program na i-a-archive sa buwan sa kasalukuyan.



Magiging bahagi ito ng Polaris Collection na ipapadala sa lunar south pole region ng buwan sa October 2025.

Napili para dito ang Pulang Araw dahil sinasalaysay nito ang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa at ipinapakita nito ang tapang ng Pilipino sa panahong iyon.

Lubos naman ang tuwa ng lead stars ng serye sa panibaong milestone na ito ng kanilang serye.

"We are all very honored, and surprised actually, dahil hindi namin talaga inaasahan na mapapabilang kami," pahayag ni Barbie Forteza.

"Balita ko nga na bilang lang ang mga inilalagay doon so parang ang sarap lang sa pakiramdam na isa na tayo doon," dagdag naman ni Sanya Lopez.

"'Yun na nga eh, makikita na nila 'ko sa moon. Nakakagulat kasi honestly, first time ko siyang marinig na may ganoon palang concept," bahagi ni David Licauco.

"In-announce 'yan ni direk Dom (Dominic Zapata) and we're very honored na napili 'yung proyekto namin para magkaroon ng opportunity to be part of the Lunar Codex Project. Maraming maraming salamat for the opportunity po," lahad ni Alden Richards.

Bukod sa Pulang Araw, makakasama rin sa Lunar Codex Project ang musika ng SB19.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.