
Bumisita at nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang mga batikang aktor na sina Leandro Baldemor at Mercedes Cabral sa programang Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Kabilang sina Leandro at Mercedes sa nalalapit na GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid, na pagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi.
Sa episode nitong Lunes (October 6), nagkuwento sina Leandro at Mercedes tungkol sa kanilang gagampanang roles sa serye na sina Darius at Melania.
Ani ni Leandro, “Darius, Kuya Boy, bibigyan ko lang nang kaunti. Mukha siyang pera, so gagawin niya ang lahat para magkaroon siya ng pera.
“Napa-exciting po kasi hindi makikita ng tao sa akin 'yon,” kuwento niya.
Ayon naman kay Mercedes, excited siyang bigyang-buhay ang kanyang role na si Melania dahil kakaiba ito para sa kanya.
"Si Melania, ang masasabi ko lang sa kanya, narcissist siya, ang lala ng character. And sobrang excited ako to play this character kasi I haven't done anything like it," aniya.
Panoorin ang full interview nina Leandro Baldemor at Mercedes Cabral sa video sa ibaba.
Huwag palampasin ang world premiere ng Hating Kapatid simula October 13 sa GMA Afternoon Prime.
BALIKAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG HATING KAPATID SA GALLERY NA ITO: