
Buo ang suporta ni Leandro Muñoz sa kanyang anak na transman na si Frankie.
Ayon kay Leandro, 16 years old noon si Frankie, na nagngangalang Chesca noon, nang kinausap siya nito para mag-come out.
Kuwento ni Leandro sa kanyang exclusive interview with Paolo Contis sa Just In, "This is something I will never ever hide from the public or anyone should hide from the public because this is a serious matter."
Ayon sa dating aktor, humingi ng tulong ang kanyang anak, "'Yung anak ko when nag-turn siya ng 16 years old, kinausap niya ako...
"He was crying, sabi niya I need help. I am wrong. I need help maybe from a psychiatrist."
Ipinaliwanag umano ni Leandro sa anak na walang mali sa kanya at pinayuhang sundin lamang kung ano ang magpapasaya sa kanya.
"Why? Because attracted siya sa same sex?
"Sabi ko, 'There's nothing wrong with you.'
"Sabi ko, 'Is that what makes you happy?' Sabi niya, 'Yeah that's what makes me happy. I feel like I am a boy, I am a man,'" paglalahad ng ni Leandro.
Sabay sabi sabi sa kanyang anak, "Then, go with what you feel."
Saad pa ng aktor ay importanteng suportahan ang mga anak sa anumang magpapasaya sa kanila.
"My point here is kailangan talaga isupport natin what makes our children happy.
"Ever since na sinabi niya 'yun, hindi na siya closet, hindi na siya nagtago. He came out.
"Now he's a transman na ang tawag na sa kanya ngayon."
Masayang-masaya na umano ngayon ang kanyang anak na si Frankie.
"Now he goes by Frankie, he's 26 years old now and he's a male, a transmale. He's very very happy," pahayag ng celebrity dad.
Tinanong ni Paolo kay Leandro kung naka-experience ba ng discrimination si Frankie, sagot niya, "Meron siyang experiences that would probably be the reason niya na ayaw niyang mag-come out dahil nakita niya na may mga ganon."
Ito umano ang naging dahilan kung bakit napili ng kanyang anak na pag-aralan ang psychology.
"That's why, alam mo ngayon, because of his experience, he's gonna be taking up psychology. Psychology para sa LGBT."
Dugtong pa ni Leandro, "Magpo-focus siya doon dahil 'yun ang nagfi-fit sa kanya.
"He was able to go through that process because of the support of a psychologist and of course the parents."
Samantala, nagbigay ng mensahe ang aktor sa mga magulang tungkol sa importansiya ng pagbibigay ng suporta sa mga anak na gustong mag-come out.
"My message to everyone, kung meron kayong anak na who's trying to come out, just support. Give a hundred percent support."
Panoorin ang episode na ito ng Just In video sa itaas.
Just In: From Leandro Baldemor to Leandro Muñoz | Season 2
Just In: Leandro Muñoz, first time banggitin ang "Kapuso!" | Season 2