Celebrity Life

Learning activities para sa kids sa gitna ng enhanced community quarantine

By Dianara Alegre
Published April 6, 2020 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang iba't-ibang activities para sa kids ngayong enhanced community quarantine.

Dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay ipinatupad sa Luzon ang enhanced community quarantine.

Maraming mga negosyo at trabaho ang natigil gayundin ang klase sa mga eskwelahan dahilan para maudlot ang pag-aaral ng maraming estudyante.

Narito ang ilang paraan para maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral kahit nasa bahay lang.

Puwedeng patulungin ang mga chikiting sa mga simpleng gawaing bahay gaya ng paglilinis.

Ayon kay Mommy Dindin, lagi niyang pinatutulong ang anak niya sa mga gawain bahay para may magawa ito sa bukod sa pagkain, pagtulog at paglalaro.

“Ang favorite niya is actually helping me sa kitchen. So I make him do a little bit of 'yung mga cutting ang mixing. Actually, what we do everyday is we do activities together. It's more of parang bonding time na rin namin."

Style naman ni teacher ang diskarte ni Mommy Tina para turuan ang anak niya. Dahil hindi makalabas para bumili ng mga libro, marami umanong mga libreng activity or work sheet sa internet na puwedeng i-download sa computer o cell phone.

“Mag-isip na po kayo ng mga topic na you want to focus on or you want to work on for your child. For example, phonics or reading. Depende po kung ilang taon sila. You just type it po. Marami pong lalabas.

“Medyo challenge din po kasi hindi naman lahat mayroong printer pero sa tingin ko po basta may papel, may lapis, puwede pong gumawa ng work sheet sa bahay,” aniya.

Alamin ang iba pang mga paraan para turuan ang mga anak kahit nasa bahay lang sa buong 24 Oras report:

RITM doctor encourages children to send get-well-soon cards to COVID-19 patients

Parenting in the time of COVID-19: Healthy parenting tips from WHO

'Centerstage' kids gift viewers uplifting rendition of 'A Better World' amid COVID-19 threat