
Ang lechon na pambato nating mga Pinoy tuwing handaan, puwede na rin maging healthy?
Introducing Vellychon galing sa Vigan, Ilocos Sur.
Ito ang kauna-unahang plant-based lechon na inspired sa traditional lechon belly.
Matatagpuan ito sa lechon capital ng Pilipinas, sa La Loma, Quezon City.
Sa panayam ng In Real Life, sinabi ni Chef Elpi, na may-ari ng ELPI Vellychon Haus, "Naisipan kong gumawa ng plant-based na lechon, kasi sa Filipino culture.
"Kapag walang lechon sa party feeling natin hindi party 'yung dinaluhan natin.\
"Gusto ko rin through my creation masalba ko 'yung buhay ng mga hayop, and to make a healthier version, mas healthy na pagkain, na maisalba ko rin ang mga kapwa kong Pilipino sa sakit sa puso.
"Nung una kong naibenta 'yung first version ng Vellychon ko, may mga nasarapan at may mga hindi nasarapan.
"Of course, this is a new products so acquired taste ito. I'm trying to mimic the taste of lechon."
Dagdag niya, "I hope it would be part of your new normal to embrace plant-based lifestyle or vegan lifestyle kasi it really helps a lot for your health and for the planet.
Gawa raw ang laman ng Vellychon Meat sa corn, wheat, at soy beans.
Sa halip na taba, cassava ang alternate ng Vellychon.
Ang Vellychon Skin naman, gawa sa wheat, food coloring, at herbs and spices.
Ayon sa Nutritionist-Dietitian na si Gelo Cruz, mainam daw na marami na ang tumatangkilik ng pagkain na plant-based.
Masustansya raw ito dahil sa mga alternatibong sangkap na gamit dito tulad ng fruit and vegetable extracts.
Aniya, "Ngayong pandemic mas nagiingat din tayo. Since nahilig ang mga tao sa backyard farming, nauso na rin 'yung plant-based living.
Abangan si Gabbi Garcia sa all-new episodes ng In Real Life tuwing Huwebes 5:45 p.m.
Panoorin ang kabuuan ng episode na ito:
Samantala, tingnan ang mga gulay na maaaring palaguin sa pamamagitan ng tubig: