
Tampok ang award-winning actress na si Lee ji-ah sa bagong kasasabikang Korean drama series ng mga Pilipino, ang The Penthouse.
Isa ang The Penthouse sa mga pinaka pinag-uusapang serye sa South Korea at marami na rin itong natanggap na awards mula sa iba't ibang award-winning body sa nasabing bansa.
Source: e.jiah (Instagram)
Tungkol ang The Penthouse sa mayayamang pamilyang nakatira sa 100-floored luxury apartment, ang Hera Palace. Marami ang nag-aasam na tumira sa marangyang apartment dahil bukod sa magandang amenities nito, dito rin nakabatay kung gaano kalakas ang impluwensiya sa lipunan ng residente.
Iikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na maipasok ang kanilang mga anak sa prestihiyosong school for arts, ang Cheong-ah Arts School. Gagawin nila ang lahat para matulungang makapasok ang mga ito sa pinapangarap na eskuwelahan kahit pa sa hindi patas na laban.
Si Lee ji-ah ang gaganap sa karakter ni Simone, ang mabuting maybahay ni Dante. Sila ni Dante, kasama ang mga anak ng huli sa una nitong asawa na sina Stephanie at Spencer, ang nakatira sa ika-100 floor ng Hera Palace.
Simbolo lamang ito na sila ang pinakatinitingala at pinakamayaman sa Hera Club. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may mga itinatago ring lihim ang mga ito na poprotektahan nila sa kahit anong paraan.
Source: GMA The Heart of Asia Facebook page
Sa loob ng maraming taon ay pinaikot ni Dante si Simone sa kanyang mga kamay. Para matali ang asawa niya sa kanya, iba't ibang krimen ang kanyang ginawa na kanya namang nalusutan dahil sa kanyang yaman at kapangyarihan.
Ngunit hanggang kailan magbubulag-bulagan si Simone? Totoo bang wala siyang kamalay-malay sa mga kasalanan ng asawa niya o nagpapanggap lamang siya para maisagawa ang mga plano para pabagsakin ito?
Source: GMA The Heart of Asia Facebook page
Abangan si Lee ji-ah bilang si Simone sa The Penthouse, mapanonood na simula Lunes, April 26, sa GMA!
Samantala, kilalanin ang powerhouse cast ng The Penthouse sa gallery na ito: