
Sa ikatlong eviction night ngayong Sabado, December 13, ay muling nabawasan Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates.
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay ay inanunsyo kung sino ang dalawang housemate na muling magpapaalam mula sa Bahay ni Kuya.
Ang Sparkle star na si Lee Victor at ang Star Magic artist na si Iñigo Jose.
Mananatili naman sa lob ng bahay para ipagpatuloy ang kanilang mga laban sina Heath Jornales at Fred Moser.
Matatandaang nominado ang bumubuo sa team “Interlinked Minds” na sina Iñigo Jose, Fred Moser, Heath Jornales at Lee Victor sa Nomination Night na naganap noong nakaraang Linggo, December 7.
Abangan ang susunod na twists at mga sorpresa mula kay Big Brother na masasaksihan sa hit collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Related gallery: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0