
Malaki ang paghanga ni ex-PBB 2.0 housemate Lee Victor sa Kapuso actor at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng teen actor kung bakit sobrang iniidolo niya si Alden bilang aktor at maging sa pagnenegosyo.
"Ang pinakagusto kong maging katulad po, si Sir Alden Richards po talaga," sabi ni Lee. "Besides na super napakabait na tao, super talented person, is super successful sa life.
"Besides his acting career, mayroon din siyang business. At habang ipinagpapatuloy ko po 'yung acting career ko, syempre 'yung school ko po hindi ko po pinapabayaan. I want to become a businessman like him."
RELATED: Meet 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' housemate Lee Victor
Ikinuwento rin ni Lee na bukas siyang muling sumabak sa acting at i-explore pa ang iba't ibang roles at genre tulad ng drama, comedy, at action.
At isa nga sa hinahangaan niya pagdating sa action ay ang Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.
Napabilang na si Lee Victor sa dalawang hit crime mystery series ng GMA na Royal Blood at Widows' War.
Sa ngayon, abala ang teen star sa pag-promote ng kauna-unahan niyang single, ang "Nagkakahiyaan," na mapapakinggan na sa Spotify, iTunes, YouTube Music, at iba pang digital music platforms worldwide.