
Maraming Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates ang tila hindi pa rin maka-move on sa naging resulta ng third eviction sa Bahay Ni Kuya.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Kung si Heath Jornales ay naapektuhan sa maagang paglabas ng kanyang kaibigan na si Lee Victor, si Lella Ford naman ay sobrang nalungkot sa pagka-evict ng huli at ng kanyang fellow Star Magic artist na si Inigo Jose.
Sa confession room, inilahad ni Lella kay Big Brother na ang latest evictees na sina Lee at Inigo ang sobrang naging ka-close niya sa loob ng iconic house.
Pahayag niya, “Naramdaman ko rin po na he (Inigo) really cares about me and now that he's gone [sa Bahay], mabigat lang po talaga Kuya.
“Sila pong dalawa (Lee and Inigo) Kuya 'yung closest ko dito sa Bahay n'yo,” pahabol niya.
Sa isang episode na may kaugnayan sa mga nangyari sa third eviction, ipinakita na habang nasa loob ng comfort room ay naging emosyonal si Lella.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba:
POLL: Who's your Female Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'?
POLL: Who's your Male Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'?