GMA Logo Lee Victor, Inigo Jose
Courtesy: EJ Chua
What's Hot

Lee Victor, Inigo Jose reveal their picks for the 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' big four

By EJ Chua
Published December 17, 2025 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together
BI: Viral female passenger offloaded for inconsistent statements about trip
Police deny supposed search at Rep. Duterte’s house

Article Inside Page


Showbiz News

Lee Victor, Inigo Jose


Pinangalanan nina Lee Victor at Inigo Jose kung sino ang big four material para sa kanila sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Nasa outside world na sina Lee Victor at Inigo Jose ngunit tila unstoppable ang pagsuporta at pagmamahal nila sa kanilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Sa naging panayam ng GMA Network internal press team kina Lee at Inigo, masaya nilang ini-reveal kung sino ang gusto nilang umabot sa big four sa naturang reality competition.

Unang nagbigay ng pahayag si Inigo at binanggit niya ang Sparkle stars na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales.

Sunod naman niyang sinabi ang mga pangalan ng kanyang fellow Star Magic artists na sina Miguel Vergara at Rave Victoria.

Sabi niya matapos niyang banggitin ang kanyang big four picks, “Para sa akin po talaga 'yung mga na-mention ko are my bias.”

Ayon naman kay Lee, “Sa tingin ko magiging big four or baka maging big four ay 'yung Mom ko si Lella [Ford] and si Rave [Victoria].”

“Sa mga Kapuso naman, I have three people in my mind… Si Ashley [Sarmiento], Heath [Jornales], and Caprice [Cayetano],” pahabol niya.

Sina Lee Victor at Inigo Jose ang third pair ng housemates na lumabas mula sa Bahay Ni Kuya sa ikalawang collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.

https://www.gmanetwork.com/entertainment/videos/kapuso-stream-pinoy-big-brother-collab-edition-20-all-access-livestream/298861/

Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?

Sagutan ang polls sa ibaba: