
Bukod sa viewers at fans ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, hanga rin sina Lee Victor at Inigo Jose kay Caprice Cayetano.
Related: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Sa guest appearance nina Lee at Inigo sa Fast Talk with Boy Abunda, nitong Martes, December 16, tinanong ni Tito Boy kung sino ang crush nila sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Sinagot ito ni Lee ngunit nilinaw niya na ang ibig sabihin sa kanya ng "crush" ay admiration.
Sabi niya, “Sa unang day pa lang, day zero, mga kagrupo kong pumasok, Inigo [Jose], Lella [Ford], and Caprice [Cayetano], the first person I saw when I took off my blindfold was Caprice.”
Nabanggit din niya na bago pa niya ma-meet ang lahat ng housemates isa si Caprice sa mga gusto niyang makita sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Sa recent interview ng GMA News Online sa dalawang ex-housemates, sinabi ni Lee na parang isang lucky charm si Caprice.
Ayon kay Lee, “Wala siyang problema blending in with the housemates. Whatever she does, we adore, and we love it talaga. And surprisingly, also a task slayer. Parang lucky charm si Caprice…”
Sinang-ayunan naman ito ni Inigo at sinabing, “For me, Caprice, she's like an angel. Her personality is the most beautiful for me. That's my opinion…”
Samantala, patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa PBB All-Access Livestream.
Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba: