GMA Logo Lee Victor
Source: _leevictor_ (IG)
What's on TV

Lee Victor, nakatanggap ng 'sign' na siya ang lalabas sa Bahay ni Kuya

By Kristian Eric Javier
Published December 17, 2025 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd promotes 16k public school teachers under expanded career progression system
Cases vs. Sarah Discaya, others transferred to Lapu-Lapu City
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Lee Victor


Isang pangyayari ang nagpaalam kay Lee Victor na isa siya sa mga pinakabagong lalabas ng Bahay ni Kuya.

Bago pa man na-evict mula sa Bahay ni Kuya, nakatanggap na ng senyales si Kapuso star Lee Victor na isa siya sa panibagong evictees ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa pagbisita nila ni Iñigo Jose sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, December 16, ibinahagi ni Lee na bago pa man ang eviction nitong Sabado, December 14, naramdaman na niya na isa siya sa mga lalabas ng PBB house.

“Alam ko na sa sarili ko because I had a sign, I had a lucky bracelet. Before or after, I can't recall anymore, my lucky bracelet snapped,” sabi ni Lee.

Dahil sa nangyari, tiniyak na niya ang co-housemate na si Heath Jornales na ito ang mananatili sa loob ng Bahay ni Kuya pagkatapos ng eviction.

“Sabi ko kay Heath, ina-assure ko na sa kanya na 'Heath, you can sleep well tonight, you know you don't have to worry about anything because alam ko sa sarili ko na ikaw 'yung mananalo,'” pahayag ng Kapuso actor.

MULING KILALANIN ANG 20 BAGONG HOUSEMATES NI KUYA SA GALLERY NA ITO:

Taliwas naman ito sa kanyang kasamang na-evict na si Iñigo na hindi inasahan ang paglabas niya mula sa Bahay ni Kuya.

“Hindi ko po in-expect, pero ayun. Accepted 'yun. Siyempre when I was in the moment, parang 'Sana hindi ako.' Pero at the same time, 'Okay lang kung ako na rin ang lumabas.' Parang ganu'n 'yung feeling ko,” sabi ni Iñigo.

Pinansin din ni King of Talk Boy Abunda ang matinding pag-iyak ni Rave Victoria sa paglabas ni Iñigo. Sabi ng Kapamilya actor, “I love Rave, he's a nice guy at saka 'yung pagmamahal niya.”

Ngunit kabaligtaran din ito kay Lee dahil wala namang umiyak o emosyonal sa paglabas niya. Paliwanag ng aktor, ito ay dahil nasabihan na niya ang kapwa housemates na walang iiyak para sa kanya.

“Sinabi ko po sa kanila, sabi ko, 'Guys, walang iiyak sa akin, maging happy lang kayo.' Kaya sabi ko, 'Happy lang, guys, happy lang, guys,'” pag-alala ni Lee.