
Dream come true para sa ex-PBB 2.0 housemate at Sparkle star na si Lee Victor ang oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA Playlist na makapag-release ng sariling kanta--ang first single niyang "Nagkakahiyaan."
Ngayong Biyernes, inilabas na ang unang love song ni Lee na "Nagkakahiyaan," na mapapakinggan na sa iba't ibang digital music platforms worldwide.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Lee na elementary pa lamang ay pinangarap na niyang magkaroon ng sariling single. Ayon sa teen star, first love niya ang music.
"Honestly, what a dream come true. Simula pa lang nu'ng elementary ako and high school nangangarap na ako magkaroon ng sariling single. Like kung makikita ako ng younger self ko ngayon I think he will be super proud," sabi niya.
Sa kanyang kantang "Nagkakahiyaan," ibinahagi ni Lee na ito ay tungkol sa dalawang tao na kapwa may pagtingin sa isa't isa pero parehong nahihiyang aminin ang kanilang nararamdaman.
"This song is about two people gusto 'yung isa't isa, may crush sila sa isa't isa, pero sadly hindi sila makaamin, nahihiya sila sa isa't isa."
Nang tanungin kung naranasan na rin ba niya ang ganitong sitwasyon na nahiyang umamin, sagot niya, "Yes, siyempre. I think lahat ng mga kabataan or like teenager nadaanan 'to. Kaya, I can't wait for them to hear the song and maka-relate sa kanta na 'to."
Ang "Nagkakahiyaan" ay composed ni Jade Ferreras, at tumulong din si Lee sa pagsusulat ng ilang parts ng lyrics.
Pakinggan ang "Nagkakahiyaan" dito:
RELATED CONTENT: MAS KILALANIN SI LEE VICTOR SA GALLERY NA ITO: