
Bukas ang ex-PBB 2.0 housemate at Sparkle star na si Lee Victor sa panibagong acting project, matapos ang kanyang stint sa hit crime mystery series na Royal Blood at Widows' War.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Lee na bukas siyang mag-explore ng iba't ibang challenging roles.
"I'm really open, and I'm really open to explore new roles. Gusto ko rin po ng mga challenging roles, tipo ng roles na kailangan mong paghandaan. Willing to take that challenge," sabi ni Lee.
Bukod sa challenging roles, gusto rin ni Lee i-explore ang genres tulad ng drama, action, at comedy.
"Siguro comedy, drama, why not? And, something malayo sa akin, 'yung action.
"Hindi ako marunong 'yung mga action like kicks and punches pero kung turuan ako, dumaan ako sa workshops, why not? Baka maging sidekick ako ni Kuya Ruru [Madrid]," pabirong dagdag ng teen star.
Samantala, inilabas na ang debut single ni Lee Victor na "Nagkakahiyaan" under GMA Playlist. Mapapakinggan na ito sa iba't ibang digital music platforms worldwide.
MAS KILALANIN SI LEE VICTOR SA GALLERY NA ITO: