
Ngayong araw, May 26 nag-resume ang lock-in taping ng upcoming cultural drama series na Legal Wives.
Matatandaang huminto ang produksyon nito nang muling nagkaroon ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinimulan muna ng isang dasal ang unang araw ng pagbabalik ng cast at crew nito sa trabaho.
The cast and crew starts the day with a prayer
Matapos nito, sumabak na muli sa kanilang mga eksena ang mga bidang sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Andrea Torres.
Andrea Torres and Dennis Trillo
Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Mranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.
Si Dennis ay gaganap bilang Ismael, isang lalaking mula sa mayamang pamilyang Mrnaw. Si Andrea naman ay si Diane, isang Kristiyanong mamahalin ni Ismael at magiging pangalawang asawa nito.
Kabilang din sa serye si Alice Dixson na gaganap bilang unang asawa ni Ismael na si Amirah, at si Bianca Umali na gaganap naman bilang Farrah, ang pinakabatang asawa.
Isang malawak na resort sa Laguna ang nagsisilbing set ng Legal Wives. Silipin ang kanilang buhay sa lock-in taping sa gallery na ito: