
Sasali sa ating online kuwentuhan ang upcoming GMA Telebabad family drama na Legal Wives.
Available na kasi ang nakakaaliw na stickers nito sa online messaging service na viber.
Tampok sa free sticker pack na ito ang star-studded cast ng Legal Wives, kabilang sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, Cherie Gil, Shayne Sava at Abdul Rahman.
I-download the Legal Wives sticker pack sa link na ito: https://tinyurl.com/LegalWivesStickerPack
Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.
Huwag palampasin ang world premiere ng Legal Wives sa July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.
May simulcast din ito sa digital channel na Heart of Asia. Para naman sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ito via GMA Pinoy TV.