GMA Logo legaspi family in sarap di ba
What's on TV

Legaspi family, ipakikita ang buhay pamilya sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

By Maine Aquino
Published July 15, 2020 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

legaspi family in sarap di ba


Sino ang tumayong direktor, food stylist, prompter, lighting director at iba pa kina Zoren Legaspi, Carmina Villarroel at twins na sina Mavy and Cassy Legaspi?

Ngayong July 18, magsisimula na ang Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition kung saan mapapanood natin mismo ang Legaspi family sa kanilang tahanan.

Ayon kay Carmina Villarroel, iba itong bagong edition ng Sarap, 'Di Ba? dahil mas magiging open sila sa kanilang buhay bilang pamilya.

"Mas makikilala pa nila 'yung Legaspi family. Hindi lang Legaspi family pati 'yung mga kasambahay na rin. Masaya, e.

"Basta masaya po siya, 'yun ang pina-promise namin. Magiging masaya po 'yung aming episode," kuwento ni Carmina sa ginanap na online media conference para sa programa kamakailan.

Dagdag pa ng actress-TV host, mas relaxed sila sa Bahay Edition dahil makikita ng mga tao ang totoo nilang buhay sa kanilang tahanan.

"Iba siya sa Sarap, 'Di Ba na nasa studio kasi doon mas marami kaming puwedeng gawin. Mas maraming guests na puwedeng imbitahin.

"With this quarantine, at siyempre marami tayong protocols na kailangan sundin, iba siya kasi sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition mararamdaman mo talagang relaxed ka, at home ka, nasa bahay ka lang, chill chill."

Samantala, ibinahagi naman ni Zoren Legaspi kung paano siya napiling maging direktor ng programa.

"The idea is gawin sa bahay. 'Pag sa bahay, nandon si tatay, which is me, so kaya ako nasama doon," aniya.

Pagpapatuloy niya, "GMA 7 ang nagbigay sa akin ng opportunity na mag-direct, so they know in GMA na nakakapag-direct naman ako.

"Hitting two birds with one stone kaya rolled into one na nangyari sa akin."

Ibinahagi ni Carmina ang roles na ginagampanan nila ngayon bilang pamilya bukod sa pagiging host at director sa programa.

"Si Zoren po, aside from being the co-host of Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, he's also our director, cameraman, lighting director."

Kuwento pa niya, siya naman ang busy pagdating sa design.

"Sa props naman ako. Props, set person, food stylist."

Kaugnay nito, ibinahagi rin nina Cassy Legaspi ang kaniyang role sa programa.

"For me besides siyempre being the co-host, ako 'yung taga-prompter, so we can see our lines.

"Pero we don't really follow the script as much. Just in case lang pang-guidelines," lahad niya.

Si Mavy Legaspi ay tumatayo naman bilang assistant ni Zoren.

Saad niya, "Ako siguro tinutulungan ko minsan si Direk Z. Kumbaga pag nagdidirek. Minsan inaayos ko rin 'yung camera. Pero most of the time si tatay 'yun."

Abangan ang pagsisimula ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ngayong July 18, 10:45 a.m.

WATCH: Ang pasilip sa 'Sarap, 'Di Ba?' bahay edition

Zoren Legaspi, may pasilip sa kanyang work from home setup para sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'