
Sa GMA Afternoon Prime family-drama series na Prinsesa Ng City Jail, nakumpirma na ni Leilani (Ayen Munji Laurel) na si Princess (Sofia Pablo) ay ang baby girl na iniwan ni Divina (Denise Laurel) sa loob ng kulungan noon.
Sa episode kahapon, March 11, nakumpirma na ni Leilani kay Dado (Keempee de Leon) na kinupkop niya si Princess. Pinakiusapan din ni Dado si Leilani na hangga't maari ay 'wag niyang sabihin ang totoo kay Princess.
Ang hindi alam ni Dado, hindi rin si Divina ang tunay na ina ni Princess dahil ipinagpalit niya ang mga anak nila ni Sharlene (Beauty Gonzalez).
Sasabog na kaya ang katotoohanan na si Sharlene ang tunay na ina ni Princess?
Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.