
Muling nakita at nakaharap ni Lella Ford ang ex-housemate na si Anton Vinzon sa Bahay Ni Kuya.
Sa nagdaang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ipinasilip ang pagsalang ni Lella sa Ultimate Tapatan.
Related Gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Dito ay nakatanggap siya ng mabigat na tanong mula kay Anton.
Seryosong tanong ng huli sa Kapamilya housemate, “Sino ang hindi karapat-dapat na maging Ultimate 8? At sino sa ex-housemates ang gusto mo ipalit sa kanya?”
Tila play safe si Lella sa una niyang naging reaksyon ngunit kalaunan ay nagbanggit na siya ng mga pangalan.
Para sa kanya ay si Caprice Cayetano ang hindi deserving at si Marco Masa ang gusto niyang ipalit sa una.
“Si Caprice [Cayetano] at ang gusto kong ipalit sa kanya ay si Marco [Masa]. Last days niya [Marco] rito grabe ang dami niyang naipakita at as in hindi lang as a housemate but as a leader.”
“Si Caprice kasi hindi ko pa nakita lahat ng sides niya. Sa mga leader, leader, hindi ko siya masyadong napansin,” sagot ni Lella sa follow up question ni Anton kung bakit si Caprice ang gusto niyang palitan.
Kasunod nito, 12 na truth and zero lie ang nakuhang score ni Lella mula sa ex-housemates na nagsilbing jury para sa Ultimate Tapatan.
Abangan pa ang susunod na twists at surprises sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
www.gmanetwork.com/pbblivestream