
Ang grupong PAL na binubuo nina Princess Aliyah, Ashley Sarmiento, at Lella Ford ay napabilang sa Ultimate 8 ni Big Brother sa recently concluded reality competition na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa naging pagbisita nila sa Kapuso Artistambayan nitong Miyerkules, March 4, inilarawan ni Lella ang kanyang mga kaibigan na sina Princess at Ashley.
Ayon sa Star Magic artist, maraming dahilan kung bakit napalapit at humanga siya sa dalawang Sparkle stars na naging housemates niya sa Bahay Ni Kuya.
Paglalarawan ni Lella kay Ashley, “Si Ashley [Sarmiento] po despite lahat ng hardships… grabe 'yung happiness na nadadala niya pa rin inside the house, kahit may mabigat na hinaharap as in nalalabanan niya pa rin po talaga.”
Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night
Kasunod nito, binanggit ni Lella ang isa pa nilang kaibigan na si Princess.
Sabi niya, “Si Princess [Aliyah] naman po, lagi kong sinasabi sa kanya 'yung strong personality niya, grabe pati 'yung pagka-leader po ni Princess. Tapos, how she executes things so perfectly as in hindi po siya trying hard, hindi po siya gaanong nage-exert ng maraming effort pero grabe po siya sa mga task.
“Number one po talaga na nagustuhan ko sa kanila is very God-fearing po, sabay-sabay po kaming ganon sa bahay.” pahabol pa niya tungkol sa samahan nila nina Princess at Ashley.
Si Lella ang itinanghal na Kapamilya Big Winner sa teleserye ng totoong buhay, habang sina Ashley at Princess naman ang nakakuha ng mga titulong Kapuso Third Big Placer at Kapuso Fourth Big Placer.
Related gallery: Get to know 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' big winner Lella Ford