GMA Logo Lella Ford and Daniel Padilla
Source: lellaford__ (IG)
Celebrity Life

Lella Ford, muntik nang di payagan ni Daniel Padilla na pumasok sa PBB?

By Kristian Eric Javier
Published March 12, 2026 1:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOE partners with DICT to integrate ‘gas station concerns’ in eGovPH app
58 OFWs from Iloilo in the Middle East want to return home
Ella Mai is coming to Manila this June

Article Inside Page


Showbiz News

Lella Ford and Daniel Padilla


Hindi umano sang-ayon si Daniel Padilla noong una sa ideya na papasok sa showbiz si Lella Ford.

Bilang anak ng isang aktres at may kuya na sikat sa showbiz industry, hindi malayong pasukin din ni Lella Ford ang show business. Ngunit dahil din sa kaalaman at karanasan ni Daniel Padilla ay ayaw sana niyang payagan ang bunsong kapatid.

“Si DJ, talagang kasama niya ang buong army sa resistance. Talagang hindi niya kakayanin. Pero napag-usapan namin,” sabi ni Karla sa pagbisita nila ni Lella sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules.

Ani Karla, importante sa kaniya ang pag-uusap sa kanilang pamilya dahil ano man ang sinasabi niya sa kanila ay galing din sa sariling karanasan.

“Ang dami kong mistakes, ang dami kong tinama, and para sa 'kin, ang pinakamaganda kong ginawa, 'yung pagiging nanay ko. Kaya noong umaayaw si Daniel, sinabi ko na, 'Pakinggan mo muna, ibigay natin 'yung gusto niya para pagdating ng araw, hindi tayo masisi,'” sabi ni Karla.

TINGNAN ANG 18TH BIRTHDAY CELEBRATION NI LELLA SA GALLERY NA ITO:

Aminado naman si Lella na protective lang ang kaniyang Kuya sa kaniya, lalo na at siya ang bunso sa pamilya.

“Spoiled po ako kay Kuya, pero hindi niya po 'yun sinasabi sa akin. Kunwari meron po akong gusto, siguro ibibigay niya sa akin next month, ganyan po,” ani Lella.

Ngunit kahit nagsisimula na ang kaniyang karera sa entertainment, nilinaw ni Lella na ang main goal pa rin niya ay makapag-aral abroad.

“Ako po kasi, education is very important to me, Tito Boy. So yeah, that's still my dream po,” sabi ni Lella.

“Pero as of now, I'm so grateful po talaga sa lahat ng opportunities, so doon po muna ako focused now,” pagpapatuloy ng aktres.

Panoorin ang panayam kina Lella at Karla dito:

RELATED CONTENT: Get to know 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' big winner Lella Ford