What's Hot

Lella Ford on being called a nepo baby: 'Totoo naman po'

By Kristian Eric Javier
Published March 12, 2026 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOE partners with DICT to integrate ‘gas station concerns’ in eGovPH app
58 OFWs from Iloilo in the Middle East want to return home
Ella Mai is coming to Manila this June

Article Inside Page


Showbiz News

lella ford


Kaysa magpaapekto sa bashers, pinipili ni Lella Ford na pagtuunan ng pansin ang mga mas importanteng bagay.

Hindi alintana ni Lella Ford ang mga paratang sa kaniya bilang nepo baby. Sa katunayan, inamin niyang totoo naman ang bansag na ito sa kaniya.

Si Lella ay anak ng actress-TV host na si Karla Estrada at kapatid ng aktor na si Daniel Padilla.

Sa pagbisita nina Lella at Karla sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 11, sinabi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapamily Big Winner na nakarating siya sa estado niya ngayon dahil sa sariling pagsisikap.

“Totoo naman po. I mean, where's the lie? True and wala naman pong masama du'n. Maging masama lang siya if palamunin ka lang, wala kang ginagawa. But ako po, I'm here because I'm making aa name for myself and pinaghihirapan ko lahat ng meron ako now,” pahayag ni Lella.

Pag-amin ng young actress, hindi naman na bago sa kaniya ang mga kontrobersiya, lalo na at bata pa lang ay nakakarinig na siya tungkol sa kaniyang ina at kuya.

“Growing up, marami akong naririnig na mga controversial things about my mom or about my brother. Sa 'kin po, mas mabigat po 'yun 'pag tungkol sa pamilya ko po 'yun. But kung tungkol sa 'kin lang po, mas kaya kong harapin,” sabi ni Lella.

Sabi pa ng aktres, isang paraan niya para hindi maapektuhan ng bashing ay ang pagtuon niya ng pansin sa mga mas mahalagang bagay.

“'Pag alam ko na gusto lang talaga manira, wala naman pong meaning 'yung mga sinasabi po nila, hindi ko na po [pinapansin], dedma na lang,” sabi ni Lella.

BALIKAN ANG PAGDIRIWANG NINA LELLA AT KARLA NG PAGKAPANALO NG YOUNG ACTRESS

Samantala, kaakibat ng paglabas ni Lella mula sa Bahay ni Kuya ay mga masasakit na salita mula sa netizen.

Sa katunayan, may isang hindi na napigilan sagutin ni Karla. Sabi ng aktres, kailangan lang niya itong “palagan” dahil ang naturang komento ay hindi lang para sa kanila, kundi para sa lahat ng magulang na may ganoong karanasan.

“Medyo hindi na kasi siya para sa amin lang, arang feeling ko sa dami ng magulang na nakaranas ng mga gano'ng experience, mga nawalan ng anak, medyo do'n ko gustong— my message was actually for all the parents,” sabi ni Karla.

“Hindi siya kayang palagpasin, Tito Boy. Parang hindi o kayang ihingi ng pasensya 'yung ginawa kong pag-alma.”

Panoorin ang panayam kina Lella at Karla sa video sa itaas.