GMA Logo Lella Ford and Daniel Padilla
Courtesy: carmellaford_ IG, karlaestrada1121 IG
What's Hot

Lella Ford receives birthday gift from her Kuya DJ, a sweet sign of support

By EJ Chua
Published February 11, 2026 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House Committee on Public Works and Highways | GMA Integrated News
The Philippine International Pyromusical Competition reschedules February shows
Bohol gymnasts clinch 7 medals in Kidapawan City, Cotabato

Article Inside Page


Showbiz News

Lella Ford and Daniel Padilla


Magui Ford sa inabot na jacket kay Lella Ford sa Bahay Ni Kuya: “Gusto po iparamdam ni Kuya DJ na he's there and he's present.”

Bukod sa pagbisita ni Magui Ford para sa birthday celebration ni Lella Ford, naging emosyonal din ang huli sa isang bagay na dala ng una.

Related gallery:Meet PBB housemate Lella Ford

Mula sa outside world, bitbit ni Magui sa loob ng Bahay Ni Kuya ang isang jacket na ipinadala umano ng kanilang Kuya DJ [Daniel Padilla] para sa nakababatang kapatid na si Lella.

Sa isa sa episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ipinasilip ang tungkol sa jacket ni DJ na ipinaabot sa Kapamilya housemate.

Gulat na gulat si Lella at naging emosyonal siya nang maamoy niya ang scent ng kaniyang kapatid sa pamamagitan ng ipinadalang jacket.

Pagbabahagi niya, “[Kay] Kuya DJ? I just really miss my brother so much, I miss all my siblings kasi sobrang close po talaga naming magkakapatid.”

“You know when you wear it, it's like he's [Kuya DJ/Daniel Padilla] hugging you,” sabi ni Magui sa kapatid na si Lella.

Kuwento ni Magui kay Big Brother, “Kay Kuya DJ po 'yon, tinawagan po ako ni Kuya DJ wanting to make sure na ibigay ko 'yung gift na 'yun para ma-feel siya ni Carmella and maamoy siya ni Carmella."

"Si Carmella po laging gumagamit ng hoodies and sweaters ni Kuya DJ. Gusto po iparamdam ni Kuya DJ na he's there and he's present," pahabol ni Magui.

Samantala, si Lella ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Blooming Bunso ng Tacloban.

Sa pagpapatuloy ng reality show, napahanga ni Lella ang napakaraming viewers matapos ianunsyo ni Kuya na siya ang pinakaunang Kapamilya housemate na nakakuha ng spot sa Ultimate 8 matapos niyang magwagi sa Big Jump challenge.

Abangan pa ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.