GMA Logo Lella Ford, Magui Ford
Courtesy: carmellaford_ IG, magsford IG
What's Hot

Lella Ford's sister Magui visit the Big Brother House

By EJ Chua
Published February 10, 2026 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: 54 police officers face criminal raps over Basilan hazing
Great British Festival celebrates 80th year of UK-PHL relations

Article Inside Page


Showbiz News

Lella Ford, Magui Ford


Si Magui Ford ang birthday gift ni Kuya kay Lella Ford sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Isang birthday surprise ang inihanda ni Big Brother at ng housemates para kay Lella Ford.

Sa nagdaan at upcoming episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, tampok ang pagdating ni Magui Ford, isa sa mga kapatid ni Lella.

Bukod kay Kuya, kasabwat ni Magui ang housemates ni Lella, kabilang na ang malalapit na kaibigan ng huli na sina Ashley Sarmiento at Princess Aliyah.

Bumisita si Magui sa Bahay Ni Kuya bilang isa sa guests sa PBB Hotel.

Nakiisa rin siya sa pagluluto ng handa para sa 20th birthday celebration ni Lella sa loob ng iconic house.

Ipinasilip na sa ilang clips ang pagtatagpo ng magkapatid, kung saan makikitang labis na nagulat at nasorpresa si Lella.

Samantala, si Lella ang pinkaunang Kapamilya housemate na nakakuha ng spot sa Ultimate 8 matapos niyang magwagi sa Big Jump challenge.

Abangan pa ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.