
Patok ngayon online ang parody version ng ilang social media influencers para sa GMA superserye na Sang'gre, kung saan pinamagatan nila itong "Encantadiks Chronicles: Sang'gre."
Tampok sa parody ang TikTok influencers na sina Lenie Aycardo-Alejandro bilang Cassiopea, Fujicko bilang Kera Mitena, Queen Dura bilang Hara Cassandra, Jomar Yee bilang Terra, Ychan Laurenz bilang Deia, Eys Hombre bilang Adamus, Rugene Ramos bilang Flamaro, at mayroon ding special participation Nina Mustacisa bilang Hara Pirena.
Sa parody, binigyan ng sariling version ng mga nabanggit na influencer, na todo bigay sa kanilang pag-arte, ang ilang mga eksena sa Sang'gre.
Kasalukuyang mayroong 1.6 million views sa Facebook ang "Encantadiks Chronicles: Sang'gre" parody, na kinaaliwan ng netizens.
Bukod dito, naglabas din ng kanilang sariling cast card ang mga influencers kung saan naka-Sang'gre costumes ang mga ito.
Samantala, subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: