GMA Logo Lexi Gonzales Elijah Alejo Hailey Mendes
What's on TV

Lessons Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes learned from 'Underage'

By Dianne Mariano
Published January 13, 2023 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales Elijah Alejo Hailey Mendes


Alamin ang mga natutuhan aral nina 'Underage' stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes mula sa kani-kanilang karakter sa 'Underage?'

Mapapanood na ang modern-day coming of age series na Underage sa GMA Afternoon Prime simula Lunes, January 16.

Ito ay pinagbibidahan ng tatlong mahuhusay na Sparkle actresses na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes.

Underage

Sa naganap na online media conference ng Underage, ibinahagi ng tatlong dalagang aktres ang iba't ibang aral na natutuhan nila mula sa kani-kanilang karakter.

Para kay Lexi, natutuhan niya ang kahalagahan ng pagiging isang panganay sa pamilya. Gaya ni Celine sa Underage, panganay rin sa tunay na buhay ang StarStruck Season 7 First Princess.

“Dahil sa Underage, mas lalo kong na-realize 'yung importance and 'yung strength ng isang panganay. Iba 'yung bunso, iba 'yung gitnang anak, lalo na kapag big family talaga na marami kayong magkakapatid. 'Yung panganay 'yung parang nagba-bind sa lahat ng mga kapatid, and I felt like it is really my job and it is really my part bilang Celine sa Underage. And mas nabigyan ko ng importance 'yung pagiging panganay ko rin in real life,” kuwento niya.

Para naman kay Elijah, na gaganap bilang si Chynna, natutuhan niya na hindi dapat sinasarili ang mga problema o pinagdaraanan sa buhay.

Dagdag pa niya, “If you're sad, you can message a friend, you can message your siblings, or if alam mong may matindi kang pinagdaraanan na alam mong hindi mo kakayanin mag-isa, maraming puwedeng tumulong sa'yo and mag-pray ka lang din kay God."

Bukod dito, mayroon ding natutuhan ang 18-year-old actress tungkol sa social media.

“Hindi mo kailangan kasi maging [dependent] sa social media para lang mahanap 'yung happiness mo, e, kasi you have people there: mga kapatid mo, 'yung family mo, 'yung nanay mo, nandiyan for you. So, hindi lahat ng tao sa social media mapagkakatiwalaan mo," patuloy niya.

Para naman kay Hailey, ang pagiging marespeto sa mga magulang at ang pagiging matapang ang mga natutuhan niya mula sa kanyang karakter na si Carrie.

“Sundin sila kasi mas alam nila 'yung tama para sa'yo at 'wag padalos-dalos sa mga desisyon kasi hindi mo alam 'yung buong scenario kaya 'wag ka magdesisyon kaagad. At natutuhan ko rin po maging matapang kasi si Carrie po, lagi po siyang palaban.

“E, ako pa naman po, in real life, talagang iyakin po ako kahit masaya, malungkot. Mababaw po ang luha ko pero dahil kay Carrie po, mas na-practice ko 'yung sarili ko na kaya ko ito. Kaya kong sabihin 'yung gusto ko, kaya kong gawin 'yung gusto ko, alam ko 'yung gagawin ko,” pagbabahagi niya.

Ang kuwento ng Underage ay tungkol sa tatlong magkakapatid na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes) na maagang haharapin ang mga pagsubok ng buhay mula nang sila ay mag-viral sa social media dahil sa isang malisyosong video na kanilang kinasangkutan.

Abangan ang world premiere ng Underage sa January 16 sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG UNDERAGE PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.