What's Hot

#LetterA: Sino ang beauty queen na crush ni Tekla?

By Bea Rodriguez
Published September 13, 2018 5:54 PM PHT
Updated September 13, 2018 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Kapuso comedian Tekla is straight and he is crushing hard on this beauty queen.

Marami ang naguguluhan sa estado ng sekswalidad ng Kapuso comedian na si Tekla noong nilinaw niya sa publiko ang kanyang tunay na kasarian.

Noon ay sinubukan ng Inday Will Always Love You star ang proseso ng sexual identity kung saan nagkaroon siya ng mutual understanding sa kapwa lalaki pero ayon sa kuwento ng aktor ay hindi ito para sa kanya, “I consider myself straight kasi sinubok ko na ang sarili ko, wala talaga.”

Sa nakaraang press conference ng Inday Will Always Love You Season 2, lumabas ang balitang hiwalay na siya sa kanyang girlfriend. Lingid sa kaalaman ng lahat, may anak silang babae at nakikita pa rin ni Tekla ang kanyang sarili na magpapakasal sila sa huli.

Ibinunyag din ng Kapuso komedyante na may natitipuhan siya sa showbiz, “Lumipat na siya eh. Basta letter A. Basta beauty queen siya.”

Agad itong nahulaan ng isang miyembro ng press, “Ariella Arida” ang lumabas na pangalan at agad itong kinumpirma ng aktor, “Yes, crush ko iyon! Pero, that was before. Ang layo ng agwat namin, langit [at] lupa.”

Dating hosts ng Wowowin sina Tekla at ang Miss Universe 2013 third runner-up.

A post shared by Ariella Arida (@araarida) on