GMA Logo Levii
Photo by: GMA Playlist
What's Hot

Levii, inspired by SB19, BINI to bring Pinoy music to global audience

By Aimee Anoc
Published November 5, 2026 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Dune,' 'Dune: Part Two' to return to cinemas ahead of 'Dune: Part Three'
This Cebu Sanctuary Redefines the Filipino Resort and Spa Experience with Unmatched Originality and Comprehensive Wellness
FPJ Sa G! Flicks: 'Batas Ng .45' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Levii


Pangarap din ng singer-songwriter na si Levii na ipakilala sa international audience ang Pinoy music, tulad ng ginagawa ngayon ng P-pop groups na SB19 at BINI.

Tulad ng malalaking P-pop artists ngayon sa bansa na SB19 at BINI, nangangarap din ang singer-songwriter na si Levii na madala ang Pinoy music globally.

Sa naging performance sa GMA Playlist Live noong Biyernes (October 30), ipinakilala ni Levii ang kanyang musika--na tinawag niyang "Soul Kilig."

"Basically, soul kilig, tayong mga Pinoy we are known as very soulful. When we sing talagang may emotion," sabi niya.

"'Yung word na kilig, I think Filipino term lang siya. So 'yung music na ginagawa ko, it's purely again may R&B, may Soul, pero ano ba 'yung perspekto 'pag talagang galing sa Pinoy, 'yung kumakanta Pinoy talaga?

"Kasi gusto kong madala 'yung culture natin globally katulad ng ginagawa ng BINI ngayon, ng SB19. Gusto ko rin katulad nila na madala ko rin 'yung music natin out there," dagdag niya.

Ayon kay Levii, isa sa Pinoy artists na hinahangaan niya ay ang South Border lead vocalist na si Jay Durias.

"Dito sa OPM scene, ang isa sa pinaka nilu-look up ko talaga was South Border, si Jay Durias, one of my favorite singers and composers.

"International, I love Ne-Yo. Si Ne-Yo talaga sobrang inspired ako sa mga harmonies niya, sa melodies niya. I've been listening to Stevie Wonder as well, kay MJ. And of course, si Daddy A and my parents talaga, sila rin 'yung naging inspiration ko sa music."

Samantala, pinerform ni Levii sa GMA Playlist Live ang kanyang original song na "Kailangan Kailanganin."

"Right now, nauuso ngayon, ang daming nagsasabi parang ano ba talaga 'yung bare minimum? And this song, actually, it's about a guy and ito 'yung parang perspective of through pursuing. Paano ba talaga maghabol na ngayon? Kasi ano na yata ngayon e minsan mema na lang, minsan akala nila chat-chat na lang.

"Ang title nito is 'Kailangan Kailanganin.' This song is for all the guys na willing i-break down 'yung walls ng mga independent women d'yan na ayaw maging vulnerable," sabi niya tungkol sa kanyang kanta.

Panoorin ang interview ni Levii sa GMA Playlist sa video na ito: