GMA Logo Lexi Gonzales, Angela Alarcon, and Lala Vinzon
PHOTO COURTESY: lalexigonzales, angelaalarcon, and lalavinzon (IG)
What's on TV

Lexi Gonzales, Angela Alarcon at Lala Vinzon nagpakitang gilas sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published February 18, 2022 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI investigates 18-ex Marines’ credibility, cash delivery allegations
Congressman Bong Suntay addresses backlash over viral remark on Anne Curtis
1 hurt in grenade attack in Basilan

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales, Angela Alarcon, and Lala Vinzon


Ipapakita nina Kapuso actresses Lexi Gonzales, Angela Alarcon, at Lala Vinzon ang kanilang mga angking talento sa 'TBATS' ngayong Linggo (February 20).

Ngayong Linggo, tatlong multi-talented Kapuso stars ang makikisaya sa The Boobay and Tekla Show na dapat n'yong abangan!

Ipapamalas nina Sparkle artists Lexi Gonzales, Angela Alarcon at Lala Vinzon ang kanilang mga talento sa bagong episode na ito.

A post shared by Lexi Gonzales (@lalexigonzales)

A post shared by Angela Alarcon (@angelaalarcon)

A post shared by Lala Vinzon (@lalavinzon)


Sa nakatutuwang segment na “Birit Showdown,” papatunayan nina Lexi, Angela at Lala na hindi lamang sila nagpe-perform kundi nakapaghahatid rin ng ilang killer punchlines.

Bukod dito, masusubok rin ang kanilang impromptu acting skills sa “Ang Arte Mo” dahil ire-renact nila ang iba't ibang sitwasyon kasama ang Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, Jennie Gabriel at John Vic De Guzman.

Bago matapos ang masayang gabi, si Lala ang magiging “biktima” ng isang nakakatawang prank sa segment na “Na-TBATS Ka.”

Exciting 'di ba? Huwag palampasin ang fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (February 20) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon" episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.