
Nagkaroon ng heart-to-heart talk sina Lexi Gonzales at Angel Guardian, na nagsilbing mga host sa online livestream ng Daig Kayo Ng Lola Ko last Sunday, April 23.
Tampok ang dalawa sa latest episode ng award-winning weekly magical anthology na "Lodi League."
Sa isang bahagi ng kanilang chikahan, napag-usapan nang dalawa kung paano sila mino-motivate ng mga kaibigan nila kapag down sila.
Source: Daig Kayo Ng Lola Ko (YT)
Lahad ni Lexi, “May friends tayo na sinasabi sayo 'yung mga best traits mo, 'di ba! 'Yung, magaling ka naman, ganito ka ganito ka.
“Minsan sasabihin mo kasi, 'wala naman, hindi ko nagawa 'yung best ko or wala ako kuwenta ganun'.”
Dagdag niya, “Pero 'yung friends mo na [sila uli] 'yung nagmo-motivate sa'yo. 'Yung ganung klase, kaya thankful naman ako sa mga friends ko na 'pag down ako nandiyan sila lagi para sa akin.”
Sumang-ayon naman si Angel Guardian at inilahad na talagang pinapahalagaan niya ang close friends niya sa buhay.
“For me ganun 'yung mga tao na dapat talaga vina-value mo. Ako, mga friends ko, ganun talaga sila sa akin.
“And very vocal din kasi ako sa mga trusted ko talaga na ganun ako, like sinasabi ko. And sila, ever since grabe 'yung support nila sa akin.”
“As in lagi nila sinasabi na proud sila sa akin and all”, pagpapatuloy ni Angel ,“And ako naman, in return vina-value ko talaga 'yung mga ganung tao. Talagang ilo-love ko rin sila in return, kasi ganun din sila sa akin.”
Bukod sa Daig Kayo Ng Lola Ko, naging bahagi rin sina Lexi at Angel ng hit reality show na Running Man Philippines na umere ang season finale last December 2022.
Kasalukuyang napapanood din si Lexi Gonzales sa afternoon series na Underage at naging parte naman ng primetime series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters si Angel na nag-finale noong January 13.
Samantala, narito ang ilang pang videos tampok ang iba pang mga aktor sa "Lodi League":
Rhian Ramos at Nicki Morena, may tips sa pag-aalaga ng kalikasan
Ano ang similarities ng character nina Buboy Villar at Joaquin Domagoso sa kanila?
Meet the cutie and loyal Bardagoons! (Online Exclusives)
KILALANIN ANG SPARKLE BEAUTIES NA SINA ANGEL AT LEXI DITO: