
Sina Lexi Gonzales at Cris Villanueva ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Hatid nila ang isang spooky story sa episode na pinamagatang "Ben's Busline."
Si Cris ay ang bus driver na si Ben habang si Lexi naman ang pasahero niyang si Gina.
Nang masira ang bus na minamaneho ni Ben, tatangging bumaba si Gina hanggang mahanap niya ang nawawala niyang wallet.
Mapagtatanto ni Ben na isang multo na may unfinished business si Gina.
Matutulungan ba ni Ben na manahimik ang kaluluwa ni Gina?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Ben's Busline," August 10, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.