
Haharap sa isang amazing challenge ang Kapuso couple na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva sa Amazing Earth.
Ngayong August 22, mapapanood ang husay ng Running Man Philippines star na si Lexi at ang jiu-jitsu blue belter na si Gil sa isang wild nature adventure. Abangan ang kanilang tapatan sa amazing obstacle course na magpapakita ng kanilang bilis, lakas, at diskarte.
Ipakikilala rin sa Amazing Earth si Karolina Agatha Sankiewicz, ang Dubai-based content creator and ocean protection advocate na may trending wakeboarding videos. Panoorin ang interview ng Amazing Earth kay Karolina kasama ang kanyang Filipino crew.
Sisimulan na rin ngayong Biyernes ang mga kuwento ni Dingdong Dantes mula sa bagong nature documentary series na Deadly Australians: Deserts.
Abangan ang Biyernes na puno ng exciting adventure at challenge sa Amazing Earth, 9:35 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: