
Labis ang suporta nina Sparkle star Lexi Gonzales at Cruz vs. Cruz cast sa kanilang co-actor na si Caprice Cayetano, na kasalukuyang nasa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Isa ang Sparkle star na si Caprice Cayetano sa Kapuso housemates ng nasabing reality TV show.
Naging bahagi rin ang teen actress sa hit family drama na Cruz vs. Cruz kung saan gumanap siya bilang Jessica.
Sa “Chika Minute” report ni Athena Imperial para sa 24 Oras, ibinahagi ni Lexi na proud siya at ang kanyang co-stars sa pagpasok ni Caprice sa iconic na Bahay Ni Kuya.
“We're actually really proud of her. Ako expected ko na she would be super lovable,” aniya.
Ipinakilala si Caprice sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 bilang ang Demure Daughter ng Quezon City.
Bukod dito, napasabak si Lexi sa mga matitinding eksena para sa upcoming episode ng Magpakailanman na pinamagatang “My Mother, My Abuser.”
Ayon sa aktres, nang dahil sa matitinding eksena ay hindi naiwasan na masaktan siya ng co-star na si Maricar De Mesa, na gumanap bilang abusive mother niya sa kuwento.
“'Yung emotions nagpo-flow na lang e. So 'pag sampal, sampal talaga, 'pag kaladkad, kaladkad. But thankful pa rin ako kay Ms. Maricar kasi somehow sinusuportahan niya pa rin ako kahit pabagsak na ako,” pagbabahagi niya.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video sa ibaba.
Kasalukuyang napapanood si Lexi Gonzales bilang Andrea sa hit family drama series na Cruz vs. Cruz.
Related Gallery: Lexi Gonzales' photos that give off strong girl vibes