
Kung may pasabog ang celebrity at digital dance stars sa stage, may bitbit din na good vibes mula sa backstage dahil may makakasamang fun and energetic livestream hosts ang Stars on the Floor.
Sina Backstage Babe Lexi Gonzales at Backstage Hottie Shan Vesagas ang magsisilbing official backstage livestream hosts na makikisaya sa Stars on the Floor family.
Kasama nila ang dance stars para sa masayang kuwentuhan kasama ang kanilang choreographers para sa exclusive updates tungkol sa kanilang dance rehearsals, backstage happenings, at live performances.
Simulang napanood ang world premiere ng Stars on the Floor noong Sabado, June 28 na nag-trending online.
Ang unang itinanghal na top dance star duo ay sina Thea Astley at JM Yrreverre.
Huwag palampasin ang susunod na puksaan sa dance floor sa ultimate COLLABanan sa Sayawan.
Tutukan ang Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Balikan dito ang highlights ng world premiere ng Stars on the Floor: