GMA Logo Lexi Gonzales and Shan Vesagas
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Lexi Gonzales at Shan Vesagas, bilib sa dance stars sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published August 6, 2025 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain defies Trump’s threats over stance on Iran war, says it ‘won’t be vassals’
3rd ug 4th Impeachment complaints ni VP Sara Duterte, Sufficient in Substance | Balitang Bisdak
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales and Shan Vesagas


Todo ang paghanga nina Lexi Gonzales at Shan Vesagas bilang backstage livestream hosts sa dance stars ng 'Stars on the Floor.'

Sa mga nakalipas na linggo, patindi nga nang patindi ang puksaan sa dance floor ng dance star duos sa Stars on the Floor.

Hindi napigilan nina Lexi Gonzales at Shan Vesagas na humanga sa dance stars na kanilang nasusubaybayan bilang backstage livestream hosts ng naturang dance show.

Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi nina Lexi at Shan kung gaano nila inaabangan ang bawat performances ng dance star duos.

"Lahat sila magagaling e," sabi ni Lexi, na tila hirap pumili ng isang paboritong dance star duo dahil sa husay ng bawat isa.

Dagdag pa niya, "I mean, we have favorites per episode, pero it's because they showed us a different performance, pero it's always a different duo everytime. Kaya I don't think I can name a specific duo na lagi kong inaabangan, kasi lahat inaabangan. Aabanganan mo na lang 'yung duo na magsha-shine sa episode na ito."

Gaya ni Lexi, tuwang-tuwa at proud din si Shan sa mga dance star duos na laging nagbibigay ng bagong flavor sa show sa pamamagitan ng kanilang high-energy performances tuwing Sabado.

Aniya, "Honestly, lahat sila inaabangan ko kasi lahat 'yun magaling as in it's like, you'd see the difference of their level to like subpar dancer lang, talagang ibang klase 'yung dance star duos na nabuo sa Stars on the Floor, so grabe."

Bukod sa paghanga nila sa mga performers, pinuri rin nina Lexi at Shan ang isa't isa dahil naging madali at magaan ang kanilang trabaho bilang magka-host.

"Well, Shan is so light to work with, he is just cool at tsaka whenever we need an announcement on the spot, game lang din siya. Working with Shan is effortless," pagpuri ni Lexi kay Shan.

Bilang unang hosting gig ito ni Shan, labis din ang pasasalamat niya kay Lexi sa paggabay nito sa kanya.

"That was my first hosting work, so very much I had to feel out everything, but of course, with the help of Lexi Gonzales, napakagaling na host nun, so natulungan niya ako," sabi ng aktor.

Patuloy na tutukan sina Lexi at Shan kasama ang dance star duos na naghahatid ng maiinit na performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin dito ang dance stars ng Stars on the Floor: