
Ipapamalas nina Lexi Gonzales at Shecko Apostol ang galing nila sa pagpapatawa sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida sila sa episode na pinamagatang "Echoseras."
Source: Regal Studio Presents
Si Lexi ay si ang fiery at palaban na si Sara habang si Shecko naman ay ang openly gay na si Echo. Una silang magkakakilala nang pag-agawan nila ang isang lalaki.
Muli silang magkikita sa probinsiya kung saan magkukunwaring straight si Echo dahil sa istrikto niyang lolo na military man.
Sweet-sweet-an naman si Sara dahil ipapakilala ito bilang girlfriend ng pinsan ni Echo.
Ngayong alam na nila ang sikreto ng isa't isa, magtutulungan ba sila?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Echoseras," March 22, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.