GMA Logo Lexi Gonzales
Source: lalexigonzales/IG
What's Hot

Lexi Gonzales, bakit gustong-gusto maging isang courtside reporter?

By Kristian Eric Javier
Published October 12, 2023 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales


Alamin ang journey ni Lexi Gonzales bilang isang courtside reporter

Bukod sa pagiging aktres, isa pang role na ginagampanan ngayon ni former Underage star Lexi Gonzales ay ang pagiging isang courtside reporter ng National Collegiate Athletic Association (NCAA). Ang pagiging isang courtside reporter ay isa sa gustong gawin ni Lexi na umabot pa sa puntong pimilit niya ang kaniyang handler para rito.

Sa interview ng aktres sa Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi nito na ang pagiging isang courtside reporter ay isang bagay na gustong-gusto niyang gawin.

“Usually, they get students talaga, top students from their schools. Pero hindi sila nagpapa-audition sa mga artista sa GMA,” sabi nito.

Kuwento pa ng aktres, ay kung hindi pa siya kumanta sa pep rally ng isa sa mga university ay hindi siya aalukin na mag-audition para maging isang courtside reporter.

Nang malaman niyang may audition ay tinanong niya kung bakit hindi sila nagpapa-audition sa Sparkle artists gayung estudyante rin naman siya ng mga panahon na 'yun.

“Sabi ko sa handler ko, mag-audition kami, punta kami sa auditions so talagang pinilit ko nang pinilit, kinulit ko nang kinulit 'yung handler ko until she got me in sa audition,” kuwento niya.

Dagdag pa ng aktres ay hindi niya akalain na makukuha siya dahil on the spot lang ang nagawa niyang audition kaya malaki ang saya niya nang makuha siya.

“Then I got in so sabi ko, 'Shucks, I need to do well' kasi talagang pinilt ko 'yung sarili ko rito so I have to do good,” sabi nito.

Aminado naman ang StarStruck season 7 First Princess na hindi madali maging isang courtside reporter at sinabing importante ang maging “quick on your feet.”

“Kailangan alam mo kung ano 'yung nangyayari. 'Pag may na-injure, kailangan, alam mo agad, kung sino 'yung na-injure, ano 'yung injury, saan na-injure, left knee, right knee, nasiko, nagagalit na si coach, dapat alam mo 'yun so parang it's not really an easy job. It's hard,” sabi nito.

Ibinahagi rin ni Lexi kung gaano ka-iba ang pagiging courtside reporter sa usual hosting na ginagawa niya lalo na at kailangan niyang isulat ang sarili niyang reports, at kilalanin ang lahat ng nasa court.

“Lahat ng players, lahat ng coaches, physical therapist, so mahirap siya, mahirap siyang trabaho. tsaka you have to be witty, you have to be smart,” sabi nito

Dinagdag din ng aktres kung gaano ka-importante ang tiwala sa mga nakaka-usap niya sa court.

Nang tanungin siya kung bakit ang ni-request niya ay spot for an audition at hindi para maging courtside reporter na agad, ang sagot ni Lexi, “I wouldn't know if I'm really fit kung hindi po ako mag-a-audition e.”

Pakinggan ang buong interview ni Lexi sa Surprise Guest with Pia Arcangel dito: