
Isang happy Saturday morning ang ating mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil makikipagkulitan ang Underage stars na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Sa Sabado ay makakasama rin nila Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi ang Kapuso comedians na sina Chichirita, Maey Bautista at Jem Manicad. Sila ang makakatapat nina Lexi, Elijah, at Hailey sa "Underage vs. Thunderage" episode.
Para sa masarap na kainan, maghahanda naman si Carmina ng Pork and Eggplant Stir-fry.
Abangan ang lahat ng ito sa Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.
Huwag na huwag rin palalampasin ang exciting na Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!