
Makikisaya ang lead stars ng GMA Afternoon Prime series na Underage ngayong Linggo (April 16) sa The Boobay and Tekla Show.
Haharapin nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes ang iba't ibang tanong tungkol sa pag-ibig at relasyon sa “Who Is Most Likely To.”
Sino kaya sa tatlong aktres ang most likely na unang magpapakasal? Alamin lamang 'yan ngayong Linggo!
Tiyak na magiging mas masaya ang Sunday night n'yo dahil ipamamalas din nina Lexi, Elijah, at Hailey ang kanilang galing sa komedya sa isang improv comedy segment.
Mapapanood din ang “TBATS on the Street,” kung saan ita-translate ng mga tao ang ilang OPM songs titles sa Ingles.
Abangan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
SAMANTALA, SILIPIN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NINA LEXI, ELIJAH, AT HAILEY SA GALLERY NA ITO.