GMA Logo Lexi Gonzales Elijah Alejo Hailey Mendes
What's on TV

Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes, inaming kayang manligaw ng lalaki: 'If he's worth it'

By Jimboy Napoles
Published March 1, 2023 7:18 PM PHT
Updated March 2, 2023 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sudden heavy downpour floods parts of Metro Manila, traffic flow slows down
#SONA2026 Business owners, experts welcome Marcos' proposed tax cuts
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales Elijah Alejo Hailey Mendes


Nagbahagi ng kanilang opinyon tungkol sa panliligaw ang Underage stars na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes.

Hindi napigilan ng King of Talk na si Boy Abunda na mapahanga sa Underage stars na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes tungkol sa opinyon ng mga ito sa panliligaw.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, ngayong March 1, buena manong sumalang bilang guests ang Sparkle stars na sina Lexi, Elijah, at Hailey. Sa kanilang panayam, una nilang pinag-usapan ay ang “young love.”

“Pag-usapan natin agad ang young love dahil dito interesado ako dahil hindi na ako masyadong young,” ani Boy.

Dito ay unang naungkat ang ginawang “first move” ni Lexi sa kanyang boyfriend at co-star sa Underage na si Gil Cuerva.

Kuwento ni Lexi, “At that time I wasn't really expecting anything from it. Nag-direct message lang ako sa kanya thru Instagram and I was like thanking him kasi I had fun in the episodes sa Taste Buddies so I enjoyed the taping and all that and from then on nag-start na 'yung conversation namin…”

Natuwa naman si Boy sa kuwento ni Lexi at sinabing, “That's a powerful girl there kasi sa isip ko bakit ang lalaki lamang… traditionally kasi may notion tayo na ang lalaki lamang ang may karapatang magparamdam, o 'di kaya ay manligaw to be direct about it.”

Matapos ito, agad na tinanong ni Boy si Elijah, “Elijah, ako ang tanong ko, kaya mong manligaw ng lalaki?”

Game naman itong sinagot ni Elijah. Aniya, If he's really worthy po kasi po kung baga kikilalanin ko po muna 'yung guy if like loyal po siya, gentleman, if mabait po not only sa akin but of course sa family ko po.

Dagdag pa niya, “Kapag gustong-gusto ko po talaga siya if he's really worth it then liligawan ko po.”

Sunod naman na nagbigay ng opinyon ay si Hailey kung saan sinabi niyang tila umabot na rin talaga siya sa puntong nanligaw na siya ng lalaki.

Kuwento ni Hailey, “Opo, parang nagawa ko na po before…kasi po kapag gusto mo po 'yung tao, ngayon po kasi sa generation natin parang hindi na uso 'yung ligaw kasi kung gusto n'yo naman daw 'yung isa't isa malalaman at makikilala n'yo kapag nagsama na talaga kayo.”

Ayon kay Hailey, pawang magagandang bagay lamang ang nakikita sa panliligaw at hindi totoong nakikilala ang taong napupusuan mo.

“Kasi siyempre kapag nanliligaw 'yung mga good side lang 'yung ipapakita, 'yung gusto mong makita pero hindi kung ano talaga 'yung taong 'yun,” ani Hailey.

Masaya naman si Boy na marami rin siyang natutuhan sa naging usapan nila ng teen actresses.

Aniya, “Alam mo I like this I'm really learning a lot from you girls and sigurado ako na marami ring natututunan ang mga bata at mga magulang out there.”

Samantala, subaybayan sina Lexi, Elijah, at Hailey sa Underage Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m, bago ang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime.

KILALANIN NAMAN ANG MGA BIDA SA UNDERAGE SA GALLERY NA ITO: